Aksyon Oro Mismo, Sandigan ng Mamamayan
Naka isang taon na nga ang Aksyon Oro Mismo sa DZBB at Padami ng Padami ang kanilang natutulungan sa pakikinig ko araw-araw sa kanilang programa natuto ako at nagkakaroon ng ideya kung paano haharapin ang problema kung mangyari man sa akin.
malaking tulong talaga sila sa mamamayan dakila at responsable sila sa pag serbisyo publiko, sa pangunguna ni Kapusong Gani Oro, gusto kung ipaalam sa mamayan ang radio program nila dahil alam ko na maraming kailangan ang tulong nila.
Para sa inyong Panawagan at mga problema ilapit lang kay Gani Oro!
Pumunta lang sa GMA Network Center, Edsa Corner Timog Avenue, Diliman, Quezon City, sa ganap na 9:00 am. Monday-Friday, itanong lang sa Security Guard na kay Gani Oro Kayo Pupunta, mapapakingan sila sa DZBB 594 KHZ monday to friday 1:00pm-2:00pm
or send them an email
aksyon_oromismo@yahoo.com
mapapakingan din sila sa internet: http://www.gmanews.tv/radio/dzbb
PAALAALA: Pakiusap po wag po ninyong ilagay sa comment form ang mga problemang gusto ninyong ilapit kay Sir Gani, Maari po ninyo siyang kontakin sa kanyang email address or sa kanyang personal cellphone number, Maraming Salamat po.









































thanks for this comment..im the eldest daughter of Gani Oro…
hello po! a week palang po akong nakikinig sa inyo twing 1 to 2 pm.nakakbilib po kayo,AKSYON AGAD!sana lumago pa po ang inyong programa.may gusto po akong ilapit na problema,pls. paki air po lagi cell number nyo.or pls can u text me at (cell# for website admin only) para pakikinggan ko nalang po ang aksyon nyo,la po kasi akong sariling cellphone.i will tune in po ulit tomorrow sa inyo n everyday.im beng po of san jose city nueva ecija.God bless po!
sana po mabasa nyo itong message ko kasi importante po talaga yung ilalapit ko sa inyo baka po kasi malate or muhuli.kung malapit lang po sana ako jan eh pupunta nalang ako,kaso nueva ecija pa po ako.
Sir Gani,lagi po ako nakikinig sa DZBB lalo na po sa program nyo aksyon oro mismo!Nagtitxt din po ako sa private number nyo.Nakakatuwa po kayo kase may time na masaya ka,galit ka,malungkot ka at umiiyak ka.Pero ang importante po ay marami kami natututunan sa inyo at marami kayo natutulungan kasama ng team oro mismo.Gusto ko po sana ilapit sa inyo ang problema ko…sana po matulungan nyo din po ako.Gusto ko nga po pumunta dyan para personal na magreklamo dito pa po kasi ako sa Tarlac.
(2nd portion of this is for Admin Only)
Mike, maraming salamat sa effort mo na ilagay sa blog ang ating show… nakakataba talaga ng puso kapag nalaman na may nag-aappreciate sa mga public service program na gaya ng “Aksyon Oromismo”….alam mo, talagang hindi biro ang mag handle ng program na ganito ang format..kailangan talaga dito ang ‘puso’…salamat sa iyong ‘di- matatawarang suporta sa isang dakilang layunin—ang tunay na paglilingkod sa kapwa! ….ang iyong kapuso, Gani Oro
hi, kua mike i rily appreciate this blog hoping dat it cud help to direct our fellow filipinos to our “action man”- Mr. Gani oro. actually, im jaz a high school student that rily likes his programs! becOz of his style- aksyon agad!!! thanks 4 supporting him!
hello sir,im sure bukas magkakaron na ng linaw prob na inilalapit ko po sa inyo.Salamat po in advans.Galing nyo talaga!im sure lalago po program nyo..God Bless po…
sir gani,everyday po ako nakikinig sa program nyo.simula po kay sir melo hanggang kay sir joel.nakakatuwa po makinig sa inyo,nakakalibang at the same time marami po ako natututunan.cel po ito ng tarlac.31 years old na po.nabasa nyo po txt ko sa program nyo last week.i was hoping po na matulungan nyo din ako at yung friend ko.
magandang umaga po sir gani,may idudulog po akong problema at sa tingin ko ay problema ng lahat na kummuter.ang tinutukoy ko po na problema sa pampasaherong jeep ay ang seating capacity, kasi po sobrang sinisiksik kami.ang dapat walong tao ang sasakay ginagawa nilang siam o sampo kabilaan kaya ang iba kalahati nalang ang puwit na nakaupo.ang gusto ko lang po sana ay makarating sa LTO sa pamamagitan mo na i required nila ang seating capacity pag nag renew na sila. maraming salamat po lubos na gumagalang at laging sumusubaybay sa iyong palatuntonan eddie bragas ng CALOOCAN.
Mr. gani oro, akoy isang masugid na tagapakinig sa inyong makabuluhang programa sa radyo… tuwing nasa sasakyan kami ay lagi kaming nakatune in sa dzbb. Kaya ngayon subukan kong idulog ang problema ko tungkol sa refund ko sa paggamit ng credit card sa pagbili ng ticket sa cebu pacific kc mahigit na po isang taon na hanggang ngayon di pa nairefund napudpud na kamay ko kakatawg sa hotline nila hanggang ngayon ala pa action… Pakitanong na lang po sa kanila anu dahilan nakit hindi nila macredit back sa credit card ko. Maraming salamat p
Sir gani, alam po namin na binabaha kayo ng reklamo at problema ng ating mga mamamayang Pilipino. Marami kayong natutulungan sa programang ORO MISMO. Sana ay magpatuloy pa ng matagal ang inyong program para sa panga2ilangan ng marami. Sana po ay matugunan nyo and problemang inilapit ko.Alam ko na maraming katulad ang problema ko sa GSIS. More Power sa ORO-MISMO Aksyon Agad…
gud am. ginoong gani, parang may kulang ang araw namin sa ofiz kapag hindi namin naririnig ang pagbabalita ninyo ni mr. melo at ang inyong ORO MISMO. dati-rati solve na kami na manood ng pangtanghaling programa sa tv bilang ice-breaker pero ngayon radyo na ang kinahuhumalingan namin at sa programa nio lang.
ingat na lang po lagi na huwag magkasakit dahil napakarami ng nangangailangan ng oro mismo ninyong aksyon. salamat ginoong gani oro. pagpalain kayo ng Maykapal.
Sir gani, magandang hapon po. Ako po ay isang masugid nyong tagapakinig ng inyong programang Aksyon Oro Mismo. Ako ay natutuwa at may ganitong klaseng programa na nasa himpapawid sa pamamagitan ng inyong dzbb radio station. At nakikita ko kung gaano kayo umaksyonat tumulong sa mga nangangailangan.
Mayroon po sana akong idudulog sa inyo na problema ko sa educational plan ng anak ko pero di ko alam kung saan ko kayo maabot.
Maraming salamat at sana matanggap ko agad ang mga contact numbers at mabigyan din ng aksiyon ang suliranin ko sa educational plan ng anak ko.
Hello po Sir Gani. Its been the best experience when u allow me to be heard on air. Thanks for your help. May God bless u always. Pwede nyo na i post number ko..
hehehe