The Big FAT Unforgiving Lady sa Passenger Van
Last night February 16, 2010 Pauwi na ako sa Tanay from Edsa Central, Medyo may koonting Pila kaya pumila tayo hangang sa dumating na ang Sasakyan namin Nissan Urvan pauwi ng Tanay Medyo kulang ang pasahero kaya nag antay pa ng ibang pasahero.
6 lang kami sa loob ng sasakyan kaya nakahanap ako ng magandang pwesto sa van, iniiwasan ko kasi ang maupo sa may guwang na upuan ng Van dahil nakakangalay maupo doon, we wait until mapuno na ang sasakyan, napuno na ang dulo ng sasakyan at merong dumating na big fat lady at big fat Man at doon na upo sa isang linya ng upuan (3 lahat sila kasama ang manong na natutulog katabi nila) may mga nagpareserve na sa may bandang unahan ng van (sa may Pinto)
Kaya ng may dumating na matandang babae(nakiusap siya sa big fat lady na kung pwede dun sya sa may tabi ng bintana, todo tanggi naman itong sinabi na ayoko!) no choice na siya kung hindi ang maupo sa gitna ng 2 big people at mauupuan nya ang hindi pantay at may guwang na upuan. so I decided na makipagpalit nalang sa matanda ng upuan nakakaawa eh.
Nag thank you naman ang matanda sa akin, at ng umandar na ang sasakyan pauwi, feel na feel ko ang dalawang malaking katabi ko na halos ma sandwich na ako sa sobrang sikip hindi na ako sumasandal para kahit koonti ay makaluwag kahit nakakangalay, maya maya ang big fat lady na katabi ko ay ginigitgit ako sa upuan walang awa todo gitgit ng gitgit wala na ngang iluluwag gitgit pa ng gitgit tunay na unforgiving talaga ang big fat lady na iyon kasing pangit nya ang ugali niya. hindi rin sya nakukuha sa tingin.
Hangang sa makarating kami ng Tanay hayzzz salamat, tinandaan ko ang muka ng Big fat lady na iyon para sa susunod maiwasan na sya. ginagalang ko sya nung una pero sa mga pinakita nya hindi dapat sya igalang.









































loko yun ah….. yaan mo bro hehehe minsan sasabayan kita hihihi gantihan natin….
tsaka sana bro sinabi mo….
“ale nag babayad dn ako…. umusod ka”
hehehehe nako kung ako ikaw eh… naku! hehehe
hayzzz ang tindi talaga nunng lady na iyon
Nakakainis noh? I feel you…. We have all experienced it.
Sigh*
Hi Rex, I wish some Airline policy is also followed in public transport on the road, when the passenger is to big, He or She must pay another seat, because of the size He/She have.